Nakatitig nanaman
si Tina sa kanyang cellphone. Walang sawang iniistalk ang kanyang long time
crush na si Alvin. Aabot na yata ng isang dekada silang magkakilala pero
hanggang stalk lang sa facebook ang puwede nyang gawin.
Break na pala sila. Nakangiting bulong
ni Tina sa sarili. Mukhang bumabalik ung
pag-asa ko. I-chat ko na ba?
Pero tulad ng
dati, naunahan nanaman ng hiya si Tina. Kahit nabibilang na kasi siya sa
makabagong panahon na ang lahat ay instant na, may bahid pa din siya ng
pagiging Maria Clara. Hindi niya kayang tularan ang ibang makabagong babae
kahit confident naman siya sa halos lahat ng bagay. Kaya nga niya nakilala si
Alvin dahil sa pagiging aktibo sa gawaing pampaaralan noong kolehiyo. Bakit nga
ba dito pa sa aspektong ito nawalan ng confidence?
Hindi naman
masasabing nahuhuli si Tina sa ibang kababaihan. May ganda rin naman siyang
maipagmamalaki, ngunit kinulang nga lang sa tangkad. Height does matter talaga
kasi ito ang naging dahilan kung bakit hindi siya naisasali sa anumang
patimpalak ng pagandahan. Buti na lang may mga quizbee at iba pang patimpalak
na magagamit ang katalinuhan, nakakuha pa din siya ng awards. At sa taglay
niyang kagandahang kinulang man sa height at katalinuhang kayang manalo sa
anumang debate ay hindi pa din siya napansin ng kanyang crush na si Alvin.
Biglang tumunog
ang kanyang cellphone. Nag-wave si Alvin sa messenger.
“OMG! OMG! OMG!”
Hawak-hawak niya ang kanyang cellphone malapit sa dibdib niya na kinakabog
habang natalon sa ibabaw ng kanyang kama. “Nagta-type na siya.”
Nakakapanabik
naman panoorin ang tatlong tuldok na senyales na nagsisismula na siyang magtipa
ng kanyang nais sabihin sa akin.
Ano kaya sasabihin niya? Bakit ang tagal? Bakit
kaya siya nagchat?
“Tina, nagtitinda
ka pa din ba noong stufftoy bouquet? Nakita ko kasi sa post mo noong nakaraan.
May available ka bang Pooh? Favorite n’ya kasi yun.” Mensahe ni Alvin.
Gumuho ang mundo
niyang punong-puno ng kilig.
“Oorder lang pala
siya kaya nga ako napansin at para pa sa kanyang ex-girlfriend. Iniistalk niya
din pala profile ko pero para lamang makita ang paninda ko.” Nakasimangot
niyang wika habang nakatingin sa kisame. “Hayaan ko na nga, at least tumubo
ako.”
“Ah… Oo, mayroon
pa ko pa din akong tindang ganoon. Made to order po. Need po ng downpayment to
process.” Tugon niya sa kanyang mensahe.
“Ah ganoon ba?
I-send ko na din iba kong gustong orderin. Paano ko ibibigay yung downpayment
ko?
“Meet up na lang.”
Napangiti na
lamang si Tina kasi mdami pala gusto orderin si Alvin.
“Buti na lang
online seller ako.” Natatawang sambit niya habang kinukwenta ang napiling items
ni Alvin mula sa kanyang naka-post na paninda.
“Kailan meet-up?”
Pahabol na mensahe ni Alvin.
At kinilig nanaman
ang puso ni Tina habang natugon sa mensahe ni Alvin. Makikita niya kasi ito not
once but twice. Puwede naman kasing walang downpayment pero para kay Alvin ay
mayroon.
-
Enero 04, 2019 (3 of 365)
No comments:
Post a Comment