Ang lahat ay
abala. Ang aking nanay ay hindi mapakali sa kusina kung alin ang uunahin:
pulutan ba ni tatay o ang all-time-favorite spaghetti ng aming bunsong kapatid.
Ang aking mga pamangkin naman ay selfie ng selfie upang maipost sa social media
kasabay ng pagbati sa lahat, personal man na kilala o hindi.
Tawanan
at walang humpay nap ag-uusap ang pumuno sa gabi. Abala ang lahat sa mahalaga
man o hindi na bagay. Bakas sa kanilang mga labi ang tunay at ganap na
kasiyahan. Sino nga bang hindi sasaya sa tuwing sasapit ang araw na ito na
punong-puno ng pananabik?
Kinulbit
ako ni nanay at sinenyasan na oras na para kumain. Ilang oras na lamang pala
ang hinihintay at sasapit na ang alas dose ng hatinggabi.
Nagsimula
na angmga palaro matapos ang masarap na kainan. Taon-taon naman ay ganito sa
aming pamilya at tulad din ng mga lumipas na taon, ito ako at nakaupong
nakamasid.
Countdown
na! Tumayo kaming lahat at nagsimula na silang pumalakpak kasabay ng pagbilang.
Nagsiliparan na sa kalangitan ang magagandang ilaw kasabay ng inaantay na
takdang oras.
Gusto
kong sumigaw ngunit hindi ko magawa dahil hindi ko din marinig ang aking
paligid tulad ng dati. Nagbago na muli ang taon pero ako ay pipi at bingi pa
din.
-
Enero 01, 2019 (1 of 365)
No comments:
Post a Comment