Pamilyar na pangalan ang bumungad
sa aking messenger request. Si Yna, isang kamag-aral noong ako ay nasa
elementarya pa lamang, ang nagpadala ng mensahe. Ilan taon na nga ba ang lumipas?
Halos dalawang dekada na pala na simula noong ako ay nagtapos ng elementarya.
Hello
batchmate! Naaalala mo pa ba ako?
Oo
naman Yna… Musta na? Tugon ko.
Heto,
okay naman ako. May reunion nga pala ang batch natin.
Ay
talaga! Bet ko yan. Balitaan mo ko ah.
Naramdaman ko ang pananabik na
makita silang muli. Ang saya siguro alalahanin ang panahon ng kabataan: mga
panahong puno ng kasiyahan, tawanan at kakulitan na may bahid kainosentehan. Ang
tanging problema lang noon ay kung kailan mauubos ang nakahandang lecture na
pinapakopya ng aming guro. Masaya lahat, mula sa pagsayaw tuwing flag ceremony
ng exercise na amin na taon mong nang ginagawa hanggang sa pagpo-floor wax ng
sahig na may kasamang harutan bago umuwi. Inosente pa ang lahat na ganito pala
kahirap maging miyembro ng titas of Cavite at isang full-pledged adult na
punong-puno ng adulting problems.
Makukumpleto kaya yung seksyon naming?
Dadating kaya yung mga ka-close ko? Dadalo kaya siya?
Lumipas
ang mga araw at dumating ang takdang araw ng reunion. Balita ko wala pa daw
asawa ung aking childhood sweetheart. Kahit kasi noon uso na loveteam na
nabubuo sa loob ng isang magulo pero masayang silid-aralan.
Kasabay
ang aking pananabik ay ang pagdami ng nabubuong katanungan sa aking isipan. Ano
na kaya itsura nya? Mas gumuwapo kaya? Bakit kaya single pa din kaya siya?
Nakakainis naman kasi dahill nakaprivate lahat sa Facebook nya at hindi pa nya
kino-confirm ung friend request ko. Baka hindi niya ako nakikilala dahil iba
ang spelling ng pangalan sa facebook. Sa reunion, sisiguraduhin kong i-aacept na
niya friend request ko.
Nagsagawa
ako ng mga paghahanda. Baka this is it! Baka hinihintay talaga ng tadhana na
magkita kami upang mag-exist ang ikaw at ako sa buhay naming dalawa. Baka kami
talagang dalawa ang para sa isa’t isa. Nawa’y pagkatapos ng reunion na ito ay
magiging makulay na muli ang aking mundo. Nagparebond na ako with hair color
pa. Nagready na din ako ng pang-OOTD kahit may libre naman daw kaming t-shirt
na inisponsor ng pinakamayaman naming batchmate.
Aba! Aya, trenta ka na! Landi-landi
din kapag may time! Pati sarili ko pinepressure na ang sarili ko. Yung bigla ko
na lang naisip na tumatanda na pala ako. Bwisit kasing study first yan, hindi
tuloy ako nakalandi noong college ako. Noong nakagraduate naman ako, career
woman naman ang kinareer ko. Kaya ito na ako, may paglandi at age of thirty.
This
is it! Nakangiti akong pumasok sa resort na paggaganapan ng Class Reunion.
Hapit na hapit na damit ang aking sinuot kahit nabalitaan kong may nagpadala ng
litson baboy. Tiis ganda sa ngalan ng lovelife. Fighting!
Kuwentuhan dito, kuwentuhan doon.
Tawanan dito, tawanan doon. Sa sobrang saya ng lahat ay tila hindi nadadama ang
gutom. Naging dekorasyon na lamang ang litson at nagpabango ng hangin ang mga
ulam na inihanda. Basta masaya lang ang lahat na magkitakitang muli at magbalik
tanaw sa naganap na nakaraang lumipas.
“Uy! Si Joseph dumating na sa
wakas!” Natatawang wika ng aking
kamag-aral.
Lumingon ang lahat sa dakong iyon.
Nasaan si Joseph? Bakit imahe ng isang babae ang akin nakikita? Mahaba ang
kanyang buhok na kulot at balingkinitan ang katawang perpekto ang hubog. Biglang
humarap sa aming direksyon ang bagong dating. Siya nga.
“Josephine na ako ngaun, Greg.” Natatawang
wika ng bagong dating.
“Yna, hindi ko pa nga pala nakukuha
yung batch shirt ko. Isusuot ko na.”
Masimulan na nga ang litson.
No comments:
Post a Comment