Naku!
Late na ko!
Humahangos na naman ako patungo sa
sakayan. Siguro hindi nakukumpleto ang aking linggo kung wala akong moment na ganito. Kailangan may marathon
or amazing race na nagaganap sa umaga ko upang makumpleto ang exciting kong
linggo.
Hindi naman ako nale-late dahil
matagal ako sa salamin upang mag-ayos, pulbos at lipstick lang ay okay na. Hindi din naman ako maarte sa pananamit.
Sabi ko nga lagi, “Comfort over style.”
Sinuwerte din ako dahil ang aking trabaho ay hindi nag-oobliga ng uri ng pananamit.
Wear what you want to wear sabi ng aming boss sa isang pet clinic na aking pinagtatrabahuhan bilang isang beterinaryo.
Sakto!
Mayroon na agad dumating na airconditioned bus ngunit maraming
katunggali. Gusto ko pa naman maupo dahil gusto kong ipagpatuloy ang aking
panonood ng KDrama na tanging dahilan
upang ako ay kiligin.
Ready!
Get set! Go! Singit!
Tagumpay dahil una akong nakapasok
sa loob ng bus. Kahit mga kalalakihan pa ang aking kaagaw sa karapatang unang
pumasok sa bus ay kinaya pa din mauna. Sa panahon ngayon kasi ay hindi na
batayan ang gender upang paupuin ka. At
suwerte dahil isa lamang pala ang bakanteng upuan. Buti hindi ako naniwala sa
sinabi ng konduktor na maluwag pa daw. Sabagay, tama naman siya. Maluwag sa
gitna ng bus.
Siya
ulit!
Bakit ba madalas kong nakakatabi
ang lalaking ito sa bus? Destiny? Fate? Siguro pang walong beses ko na
siya nakatabi. Wow! Infinity! At sa dumaang pitong beses ay
hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya. Bakit kasi hindi siya nagsusuot ng
ID o tshirt na may nakalagay na name
nya. At ngayong pangwalong beses na, ito na siguro ang magde-decide kung he is the one na nga.
Sino ba ang hindi makakapansin sa
kanya? Buti na lang at tulog siya kaya nagawa ko siyang titigan ng malaya,
hindi na panakaw. Maputi ang balat niya. Bakat sa kanyang pananamit ang ganda
ng kanyang katawan at higit sa lahat ay mabango siya. Makinis din ang kanyang
balat at pati ang kanyang mukha na parang hindi dumaan sa puberty stage ng buhay.
Sa aking anggulo ay kita ang tangos ng kanyang ilong. At bumighani pa sa akin
ay ang ganda ng kanyang singkit na mata. Ang ganda din ng kanyang ngiti, parang
pang toothpaste commercial. Narinig ko na din ang kanyang tinig minsan na tila
may kausap tungkol sa pagsasaayos ng computer. Ang pronunciation niya at paraan
ng pagpapaliwanag ay humehele sa akin. Mukhang may sense itong kausap. Perfect! Ideal guy ko na ba ito?
Nag-eexist pala ang ganitong tao na
binuo ko lamang sa aking imahinasyon.
Lumipas ang thirty minutes. Wala na
akong maunawaan sa aking pinapanood dahil sa kanyang presensya kaya umidlip na lang
ako. Ngunit sa aking pagmulat ng mata ay nabigla ako. Ang aking ulo ay
nakasandal na sa kanyang balikat at ang kanyang ulo naman ay nakapatong din sa
aking ulo. Tila lovers kami kahit
hindi naman talaga. Natulog na lang ako muli dahil hindi ko din alam kung ano
ang gagawin.
“Sino bababa sa Quirino Avenue?
Lumapit na po!” Sigaw ng konduktor.
Ang tinig na ito ng konduktor ang
gumising sa akin. Naramdaman ko din ang paggalaw ng aking katabi. Ang awkward na ng moment. Nakapikit pa din ako kahit gising na talaga ang katawang
tao ko at diwa. Ano nga ba ang perfect
move?
“Miss?” Si Ideal guy.
Kinakausap niya ako. Gosh! Kaya naalimpungatan ako kunwari.
Bagong gising kunwari para hindi awkward. “Ay! Sorry po.” Angat ko ng aking ulo kasabay ng pagpa-panic na totoo
naman talaga.
“Okay lang.” Naka-smile niyang wika.
Lihim akong kinikilig. Lucky day ko na ba ito? Itatanong na ba
niya ang name ko? Sasabihin din ba niya na pamilyar ako sa kanya kasi madalas
ko siya makatabi sa bus? Gosh! Ano
ang isasagot ko? Hindi ako ready. Obvious kasi na may gusto siyang
sabihin.
“Excuse me ah. Pababa na kasi ako.”
“Ah… Eh… Okay…” Nahihiya kong wika.
Nagbigay ako ng daan para sa kanya. Hinayaan ko na umalis sa tabi ko ang aking
pinapantasya. Hindi pala ito ang aking lucky
day.
Ako naman ay bumaba sa Pedro Gil
St. kung saan naroon ang pet clinic na aking pinagtatrabahuhan. Walong beses
ang lumipas nang wala man lang akong kaalaman-alam kung sino ba siya. Hindi nga
talaga yata puwede na maging kayo ng ideal
guy mo. Dadaan lamang siya. Pareho kayong sasakay patungo sa inyong destinasyon
at bababa ng hindi magkasama. Magkaiba pala kayo ng bababaan at pupuntahan.
Nagkasabay lang. Ganoon talaga ang life.
7:59:59. Saktong time in ko sa biometrics. Lucky day pa din! Hindi
ako na-late.
“Wow! Buzzer beater ka
nanaman.” Natatawang wika ni Jane ang aking assistant slash best buddy sa clinic.
“Oo na.” Natatawa na din ako para
na din mapagtakpan ang pagkadismasya ko sa umagang ito.
Binaba ko ang aking gamit at sinuot
ang aking doctor’s gown. Back to work! Excited na din naman ako makita muli ang mga furbaby na kilala na din ako sa dalas nila dumalaw upang magpacheck
up kasama ng kanilang mga furparents.
Lumipas na ang oras. Alas-onse medya
na pala. Lunch break is coming! Pero
may isa pa daw akong pasyente magpapa-check
up ng kanyang furbaby.
“Welcome po!” Nakangiti kong bungad sa pumasok sa pinto.
Siya!
Si Ideal Guy!
“Hello. Ikaw di ba ung bus? Yung madalas kong nakakatabi? Vet ka
pala.”
“Ah… eh… Oo. Pasensya na kanina ah.”
Natatawa kong wika. Napapansin na din pala niya ako. Napansin ko ang kanyang
bitbit. “New puppy?”
“Yup. Ireregalo ko sana sa…”
“Girlfriend?” Curious kong
tanong. Medyo aggressive ang dating
pero para na din sa ikakagaang ng aking puso.
“Sa sister ko.” Natatawa niyang sagot. “Birthday niya kasi. Pero ipapa-check
up ko muna sana bago ko ibigay sa
kanya. Saka gusto ko din i-verify itong
vet record niya dito sa clinic
nyo.”
“Ah okay. Wait lang po ah.” Naka-smile
kong wika. Tumalikod ako patungo sa records
ng aming mga pasyente pero hindi pa din maalis ang ngiti ko. Humarap ako sa
kanya muli “May record nga siya dito
.”
“By the
way. Can eat lunch together?”
Oh
no! My lunch out kami ni Jane saka ni Dra. Bea. Naunang na-set iyon kahapon pa.
“Sorry, I can’t. May kasabay kasi ako
mag-lunch today.” Wrong timing talaga. Hindi nga siguro meant to be. Bakit kasi ngayon pa?
“Ganoon ba. I understand. James nga pala.” Nakangiti siya sa akin habang
naghihintay ang kanyang kanang kamay ng katugon. “Nice meeting you, Dra. Madison.”
“Mady na lang.” Natatawa kong wika.
Umalis na siya. Umalis na si James the Ideal
Guy ko. Siguro ganoon talaga. Ita-transfer pa naman niya sa ibang vet clinic
for consultation ang puppy
niya dahil taga-Cavite pa siya tulad ko. Sa lawak ng Cavite mababa ang probability na magkita kami ulit. Hindi
siguro talaga kami itinakda dahil gumawa na ng paraan ang tadhana pero may mga
dahilan pa din para hindi magtugma.
Kinabukasan, day off ko kaya
naisipan ko manood ng sine mag-isa sa isang mall
malapit sa amin. Hindi naman ito ang unang beses na ginawa kong manood mag-isa.
Nasanay na din ako dahil ilan taon na din naman akong single. Natuto na ko maging independent
gawin ang maraming bagay.
Nasa counter na ako noong may narinig akong pamilyar na boses. Si James.
At mukhang pareho pa kami ng papanooring pelikula. Nagkatinginan kami at
ngumiti sa isa’t isa.
No comments:
Post a Comment