Wednesday, July 13, 2011

PISO

Biyernes.
Pauwi na ako ng bahay. Inabot na pala ako ng tanghalian sa pagkokompyuter. At sa aking paguwi, ang mga bata ay napasok na sa elementary sa aming lugar.
“Ate! Ate!” Tawag ng isang bata sa aking pansin. “Pwede humingi ng barya? Kahit piso lang.” Gusgusin ang kanyang mukha at gusit-gusot ang kanyang uniporme na mukha ng luma. Ganoon pa man, mayroon siyang ngiti sa labi.
Pagkapa ko sa aking bulsa, kahit piso ay wala ng natira dahil nawili ako (mag-Facebook).

“Bata, pasensiya ka na ha, wala na eh.” Sagot ko.
“Ganoon po ba? Nakangiti niyang sabi. “Sanay naman po ako maglinis n gaming classroom.”
“Bakit?” Nagtataka kong tanong. Anong kinalaman ng piso sa classroom?
“Eh kasi po, pag hindi po bumili kahit piso ay maiiwan pos a loob ng room at maglilinis. Eh madals po akong maiwan.”

Nahabag lalo ang aking puso. Gusto ko mansiyang bigyan ay naubos ko na aking paglilibang.

“Eh nanay mo?” Tanong ko sa kanya.
“Ewan ko po…” at bigla siyang natigilan.”Ah basta po binigyan niya po ako ng dalawang piso bago siya umalis.”
“Eh saan mo naman ginastos yun?”
“Sa ice tubig po, wala po kasi pagkain sa bahay kaya bumili na lang po ako ng tubig saka poi sang tinapay.”
Lalao akong nahabag, na parang gusto ko siya isama sa aming bahay na ilang lakad na lang. Ngunit…
“Paalam Ate! Bawal po ko malate. Pasok na ko!” Malakas niyang sabi habang patakbo patungo sa elementary.
“Paalam,” tangi kong sambithabang hinahatid ko siya ng tanaw.
“Ay! May piso!” Malakas na sabi ng bata habang dinadampot ang piso sa gitna ng kalsada.
Blag!
At kasunod nito ay kumpulan ng tao, tinitignan ang inosenteng mukha ng bata na nakahandusay sa maalikabok na kalsada. At sa kanyang munting kamay ay may piso na saglit nagbigay sa kanya ng lubos na kaligayahan.
Paalam munting anghel…

No comments:

Post a Comment