Friday, June 30, 2017

MY REAL DREAM

“Hi Trixie,” Owen said as he passed by our village’s playground.

“Where are you going, Kuya Owen?” I asked him and looked at my Clara holding hands with him tightly. They were dressed as if they have a date somewhere.

“At the nearest mall,” he answered me back with a smile. “See you later!”

            Looking at their sweet gestures made me sigh a hundred times as I went home. After seeing them, it made me feel bad and quit playing with my playmates in our village. I am tired of playing jumping ropes, Chinese garters and jack-n-stones. I’d rather play with my Barbie alone.

            I wish I am like Barbie: sexy, tall and beautiful. I don’t want to be a cute eight year old girl, as Owen always says. I want him to tell me I am as beautiful as Clara, my dear sister, or much more beautiful than she does.

“Trixie, it’s time for bed!” my Mom shouted at me like she always does.

It was eight o’clock. I am about to close my window when I saw them coming. And with my surprise, I saw them kissing before Clara entered our house. I feel furious, or better said jealous.

            I went to sleep thinking about Owen’s kiss. Was it sweet? Was it magical? How I wish I was the one he kissed. And there at that moment, I fell asleep.

It seemed I slept so short. I stand up and noticed my bed was different, my room as well. I looked outside and saw: flying creatures; children meddling on the clouds; flowers humming love songs: and graceful dancing grasses. Oh! It was magic, I think.

            I looked down and saw Owen, he was staring at me with his eyes where stars seemed to stay, and he said…

“Welcome to Fantasia, my dear Trixie!” He uttered clearly. Is it true? His endearment, his eyes, and his arms waiting for me.

 I turned around and saw my reflection, I am a grown up! I have a beautiful face, lovely strands of my black long hair and define curves seen clearly as I turn around the mirror again and again. I have them all!

Time in fantasia seemed to be infinite, but all those time, Owen was firmly holding hand. We lay on the pink clouds, we ate them too! We dance with the grasses as the vibrant flowers hummed their sweet love songs. Happiness filled Fantasia!

But someone in this colorful world wanted to stop everyone’s hearts to be happy, an ugly, wicked witch that holds her brown wand with his knurled hands and smirked showing her wrinkled face. She hates colors, sweet candy canes and music. All she wanted was darkness and broken hearts, everybody should taste bitterness and feel hatred. All good things were a big no, no!

Before the long, long day in Fantasia ends…

“Trixie, can we have our pledge of hearts? Owen sweetly asked me, “I want our hearts to be one, to be together for a life time, dream together as we hold each other tight…”

“Oh, Owen!” my eyes seemed to melt, “I loved too! And even not in a dream I am willing to be you eternally.”

            With the Witch’s evil ears, powered by bats and black bugs, she knew all about our heart’s beat.

“No hearts should beat as one! “The witch exclaimed, “No one!”

            On the day when our hearts will finally collide, as our lips were about to touch, the witch came…

“Who are you?” I felt fear, her dark eyes staring at me, “ Let our hearts be one eternally!”

“No one! The witch answered, “No one deserved to be loved!”

“But why?”  Owen asked the witch, “My love is true and can take away reality.”

“”Love is for fools!” The witch said, “So you are indeed a fool! You’d rather be a fool for that girl you’re holding?”

“Yes! If being a fool could make us happy I rather am one!”

“Sweet mouth, young guy…” the witch replied while taking Owen away from me. “So better send you to reality to feel bitterness and pain that you will endure forever!”

            The witch waved her wand, swish and swish, Owen vanished in the witch’s hands.

“Owen? Owen? NO…” I cried like my tears would not stop.

            And a huge hurricane came, faster and faster and faster as the witch waved her wand. Nowhere to grip tight and felt flying down, down, do
And that was eight years ago…

“Trixie, what takes you so long? “my Mom shouted, as she feel anxious for my first day in college, “Ed is waiting for you and you two will be late for school!”

“Coming Mom!”  I said as I ran down our stairs.“Hi Ed, let’s go!”

“Are you excited?” Ed asked me as we walk down the street.

“Yes! It’s our first day going to our new school.” I can’t help but smile and said to myself, especially I am with you.

            The witch was wrong after all, and this is my REAL love story…

Ang Babae sa Salamin ng Paupahang Kwarto

Sa isang lumang bahay na matatagpuan sa isang bayan ng Cavite, mayroong matatagpuang salamin na sadyang ikinabit sa dingding. Diumano, ito raw ay nakakabit na bago pa man nabili ang bahay ng isang mag-asawa na tanging hangad lamang ay madagdagan ang kanilang ari-arian. Ngunit ang mag-asawang ito ay bigo, sapagkat hindi nila ito solong pag-aari. Hanggang napagdidisyunan ng mag-asawa na gawin itong boarding house. Kumuha sila ng caretaker, si Aling Rosa na isa ring kamag-anak, at iniwan ang pag-aari upang manirahan na sa ibang bansa.
Maayos naman ang takbo ng boarding house. Ito ay nahati sa iba’t-ibang kwarto, sa itaas at sa ibaba, at tanging ang kwartong may salamin ang hindi nabago.
            Hanggang isang araw, may mag-asawang parehong nagtatrabaho sa pabrika sa bayang din iyon na naghahanap ng matutuluyan. Dahil ang tanging bakanteng kwarto ay ang may salamin, agad nila itong kinuha at binayaran ng upa, advance at deposit.
            Ang magasawa ay limang taon ng nagsasama, isang masayang magkaagapay sa buhay, ngunit habang natagal sila sa bahay ay patuloy silang may alitan. Sa hindi malamang dahilan, nawala ang dating masayang pagsasama. Hanggang isang araw ay umalis ang babae, naiwan ang lalake at nagpakamatay sa loob ng kwartong iyon. Ang sabi-sabi ay ipinagpalit daw ng babae ang lalaki sa isang malapit na kaibigan, ngunit may narinig na tawa ng isang babae sa loob ng  kwartong iyon ng araw na namatay ang lalake.
*****
            Lumipas ang ilang taon, walang natira sa kwartong iyon matapos ang insidenteng pagpapakamatay ng lalake. At kahit ang mga nakatira sa ibang kwarto ay ilag dito. Hanggang sa…
            “May bakante pa po bang kwarto?" tanong ni Lito.
            “Mayroon pa.” sagot ni Aling Rosa, ang caretaker ng bahay.
“Dun sa itaas, 500 ang upa, 500 ang advance at 500 and deposit.”
“Maari po bang masilip?” tanong ni Lito ng may kagalakan.
“Halika… Sumunod ka…” At naglakad si Aling Rosa paakyat at sinundan ni Lito.
May kaluwagan ang kwarto. Kasya ang isang pamilya na may limang miyembro kung my kakontian lamang ang dalang gamit. At ang salamin, ito ay natatakpan ng tela na sadyang pinalagay ni Aling Rosa.
“Sige po kukunin ko.” Sagot ni Lito ng may galak. “Kailan po kami maaaring lumipat?”
“Ngayon din ay maari na…” Sagot ni Aling Rosa at habang nakangiting binibilang ang salaping hawak na may halagang 1500 sa kanyang palad.
Naiwan si Lito sa kwarto. Nilibot niya ang kanyang paningin at binuksan ang bintana. Kinuha ang walis sa may gilid na sadyang  naroon  sa silid, na marahil ay sa dating nakatira. Inalis din niya ang tela at nakita ang malaking salamin.
“Jackpot pala ako sa kwartong ito.” Nakangiting sabi ni Lito. “Matutuwa nito ang aking  mahal.” Matapos ang paglilinis, iniwan na nya ang kwarto upang simulan ng maglipat ng kanilang kagamitan. Liban sa kanyang kaalaman, may pares ng mga mata na nakatingin sa kanya.
Nang hapon din iyon, nakalipat na silang mag-asawa. Hindi sila kasal ngunit dahil nagsisimula na ang pagdadalangtao ni Jenny, sa murang idad na 19 taong gulang at siya naman ay 20 taong gulang pa lamang, napagdisisyunan na nilang magsama at arugain ang isa’t-isa. Pareho silang dayo lamang ng Cavite upang maghanap-buhay at naging mapusok ang kanilang mga damdamin,
“Mahal, ang laki naman pala ng kwartong uupahan natin.” Sabi ni Jenny habang nililibot ang kwarto. “Magkano naman ang bayad dito kada buwan?”
“500 lang.” Sagot ni Lito habang abala sa pagaayos ng kanilang gamit. “Siguro dahil may kalumaan na din, pero mas maayos at mas maluwag naman kesa sa una nating nakita sa kabilang bayan.”
“Salamat, mahal. Akong bahala dito sa kwarto habang nasa trabaho ka.” Paglalambing ni Jenny sa kinakasama. “Papagandahin ko ito.”
“Pero ‘wag ka masyado magpagod huh…” Sambit naman ni Lito at niyakap ang kinakasama. “Pa-kiss nga sa mahal ko… Excited na ‘ko sa pagdating ni baby.”
Bagamat buntis na si Jenny, naging mainit pa rin ang sandaling iyon. Pinuno nila ng pagmamahalan ang kanilang bagong tirahan. At lingid sa kaalamanan nila, my galit na pares ng matang nakatingin sa kanilang mainit na sandali.
Lumipas ang ilang buwan, ang dating masayang pagsasama ni Lito at ni Jenny ay unti-unting nalalamatan. Si Lito na dati’y nauwi ng maaga ay laging nauwi ng lasing. Nasisimula ng makahanap ng barkada sa bagong nilipatan. Hanggang sa hindi na nakapagtiis si Jenny sa ginagawa ng kinakasama.
“Lito, naman!” Bulyaw ni Jenny sa asawa na nkaupo sa sulok ng kwarto at nakatingin sa salamin. “Alam mo naman na hirap ako sa pagbubuntis ko. Saka paano ang ipon natin? Paano na pagnanganak na ako? Ni lampin ng bata wala tayo, tapos lulustayin mo pa ang pera mo sa alak!”
“Si-siya kasi eh.” Sigaw ni Lito habang nakatingin sa salamin. “Hindi kasi ako makatulog sa gabi dahil sa kanya!”
“Sino? Sinong siya?” Takang tanong ni Jenny. “Tayong dalawa lang sa kwartong ito. ‘Wag ka ng maggawa ng kwento para wag ako magalit dahil sa paglalasing mo.”
“Makatulog na nga lang!” Sigaw ni Lito at nagtalakbong ng kumot.
si Jenny ay patuloy na naglikom ng kalat sa kwarto bago siya matulog. Akmang lalabas siya ng kwarto upang ilabas ang kalat ay biglang kumirot ang kanyang tyan. Humihilab. Parang may lalabas na mula sa kanyang tyan. Bigla siyang napatingin sa salamin at nakakita ng repleksyon ng isang babaeng nakangisi habang nakatingin sa kanya. Pula ang mga mata nito. Lumapit siya kay Lito. Naupo. Ginising ang kinakasama. Ngunit, bigla din itong nawala ng naamlimpungatan si Lito. Agad  siyang  napayakap dito at umiyak.
“Lito, alis na tayo dito.” Iyak ni Jenny.
“Pero, Jen, wala pa tayong pero pera makalipat.” Sabi ng pupungas-pungas na si Lito. “Saka sayang ang advance na isang buwan na ibinayad natin kay Aling Rosa kung hindi natin magagamit.”
“Pero, Lito…”
“Jen, matulog ka na. Masama sa bata ang pagpupuyat at pagiyak mo. Dito ka sa tabi ko.”
“Lito, naman eh…” Iyak ni Jenny. “Natatakot na ako dito.”
“’Wag ka matakot, narito naman ako ‘di ba? Baka umiyak baby natin… tulog ka na… Mahal na mahal ko kayong dalawa.”
Natulog si Jenny ng may takot sa dibdib, kaya nagsumiksik siya sa katawan ni Lito at nakatulog ng matiwasay. At tulad ng bawat gabi na nagpapadama at nagsasambit ng pagmamahalan sila Lito at Jenny, lalong nanlilisik ang mga matang mapupula sa salamin. Nagagalit. Nakatitig ng matiim sa magkaparehang magkayakap na sinusuong ang lamig ng gabi. Mula ng gabing iyon, nabawasan ang paglalasing ni Lito. Ngunit dumadalas naman itong natutulala sa harapan ng salamin.
Isang araw, habang mag-isa sa kwartong inuupahan, sinubukan ni Jenny takpan ang salamin ng puting tela na kanyang itinabi noong lumipat sila. Ito ang tela tinanggal ni Lito na nakatakip sa salamin. Malapit na matapos si Jenny na takpan ang  salamin ng biglang makita niya sa kanyang tapat ang babae na nagsilbi nyang repleksyon at nakahawak sa tiyan. Hinihimas-himas ng babae ito at biglang diniinan. At biglang…
 “Agh…. Lito… Agh! Ang sakit ng tiyan ko...Agh!” Namimilipit sa sakit si Jenny na sabi sa tulog na si Lito. “Humihilab, parang may lumalamutak… Agh!”
“Mamatay na kayo!” Sigaw ng babae sa salamin na may boses na animo galing sa hukay habang nanlilisik ang kanyang mga matang nakatitig kay Jenny.. “ Kayo ng anak mo!”
“Huwag!” Napasigaw si Jenny at patuloy na namilipit sa sakit ng tiyan na parang dinudurog. “Maawa ka…”
“Jen, bakit? Ano nangyari? Manganganak ka na?” tarantang sabi ni Lito ng siya ay magising.”Matagal pa ‘di ba?
“Hindi ko alam…Agh!” Iyak ni Jenny. “Ang baby natin…”
Dinugo si Jenny. Agad siyang sinugod sa pinakamalapit na ospital, ngunit huli na ang lahat. Patay na ang bata bago pa man diumano nakarating sa ospital. Hindi na rin maaaring mailigtas dahil patay na talaga ito kaya siya dinugo. 
“Lito, wala na ang baby natin…” Iyak ni Jenny matapos bumuti ang pakiramdam pagkatapos niya raspahin. “Kasalanan niya ‘to! Pinatay niya baby natin.”
“Sino?” Tanong ni Lito, ngunit parang alam na niya kung sino.
“Yung babae sa salamin…” Lalong napaiyak si Jenny.
“Hanap na tayo ng ibang matitirhan.” Sambit ni Lito at niyakap ang naiyak na kinakasama. “Hindi na niya tayo magagambala.”
“Alam mo ang tungkol sa…”
“Oo, Jenny. Kaya ako naglalasing para makatulog sa gabi. Lagi niya kasi akong ginagambala sa gabi.” Pag-amin ni Lito. “Lagi niyang sinasabi na ika’y aking iwan. Sasaya daw ako sa kanyang piling at ibibigay niya sa’kin ay higit pa sa ibibigay mo. Pero ayoko. Kasi mahal na mahal kita.”
“Salamat, Lito. Mahal na mahal din kita.” Sabay ng pagsambit ay pagpatak ng luha ng kaligayahan at kalungkutan.
“Gusto ko ay maging tayo habangbuhay. Pakasal na tayo, Jenny. At muli natin simulan bumuo ng pamilya bilang tunay na magasawa
Nawala sa kanila ang hinihintay na anghel.  Ngunit ang pagsasamahan nilang dalawa ay naging mas matibay.
Matapos ang ilang araw sa ospital, nakauwi na si Lito at Jenny. Nagimpake na agad sila ng gamit at binakante ang kwarto. Hindi na sila nagpasabi na aalis na sila. Hindi na rin nila nakuha ang deposito kay Aling Rosa, na hindi naman talaga mababawi dahil nagastos na marahil. Iniwan na lamang nilang bukas ang kwarto.
Hindi malaman kung sino ang babaeng ito. Ang alam lang ay galit ito sa mag-asawang masayang nagsasama. At kung bakit siya galit sa masayang nagmamahal, yun ang mysteryo ng babaeng ito.
*****
“Saan po may bakanteng kwarto?” Tanong ng isang mag-asawa.

“Dito po sa itaas.” Nakangiting sagot ni Aling Rosa at niyaya sila paitaas ng bahay patungo sa kwarto. “Murang-mura lang ang upa…”